yun bang kung ano gusto mo makuha at kung kailan mo gusto makuha, chaka mo siya makukuha. Bat di nalang ganun kasimple? Tuloy, daming nahihirapan, daming nasasaktan, daming nanghihinayang, daming naiilang... VAHKet?!
haha...walang kwentang tanong. basta may maisulat e noh?
madaming sagot sa tanong na yan sa totoo lang. at wala akong balak itype yun. nakakatamad noh! alamin nyo nalang para sa sarili nyo if ever man tinatanong nyo din..haha.
BAsta, sasaya din tayong lahat. Nasasatin naman yun eh.
Naalala ko nga pala, si mam monette, partner ko sa office. Magkaiba kasi kami personality nun eh. Siya yung tipong work-oriented. Ako naman, relationship-oriented. MAy kanya kanyang advantages at disadvantages ang mga personalities namin. anyway, her personality also entails that she is assertive. pag may mali, sabihin niya directly at kaagad. Ako naman, hindi ganun, kung pwedeng hindi mag-confront ng tao, yun ang gagawin ko. Pero sometimes, i wish i could be more like her. yun tipong pag may mali akong nakita, masasabi ko agad para malinaw lahat at maayos kagad lahat. Paminsan kasi ang dami kong gustong sabihin sa mga tao, di ko na nasasabi. Paminsan, gusto kong ipakitang galit ako, di ko mailabas ng maayos...Lumalabas sa ibang paraan.
I don't know if it's an advantage or disadvantage na mabilis mabasa sa mukha ko kung ano nararamdaman ko. Pero may times na magaling akong umarte lalo na pag mapaghahandaan at ineexpect ang mangyayari. sometimes i wish hindi nababasa ang nararamdaman ko. sometimes i wish na nababasa.. ewan ko ba.
Oo, aminin ko may kasalanan din talaga ko. Nagagalit din kasi ako at naiirita. Tao din ako lam mo. HINDI PERPEKTO at hindi naghahangad na maging perpekto. im in touch with reality naman... nakokonsensha din ako sa mga hindi ko magandang ginawa. sori. pero may mga bagay talaga na hindi ko mapipilit o mababago. i don't want to live a lie. naks cliche un ah.haha. anyway,sana wag nalang ding ipilit at baguhin ng iba. kung mangyayari, mangyayari. kung hindi, may ibang dapta na mangyari.
intiendes?Bien.
wow binasa mo pa mga nonsense ko. tibay mo ah. naglalabas lang ako ng saloobin. once again, hindi ko nanaman kasi masabi ng diretso.